Ngayon lang ako maglalabas ng sama ng loob, at kahit alam kong wala namang makakabasa nito na maaaring magpakalat, kailangang vague pa rin ang isusulat ko.
Una sa lahat, hindi ko ginustong ilagay n’yo ako sa posisyon na ‘yon. Hindi na lang ako nakatanggi dahil ayokong sa simula pa lang ay isipin nyo na ako’y mahina. Tinanggap ko ‘yon, sa pag-asang makakatulong ko kayong lahat. Pero hindi, lahat ng bigat ay nasa akin pa rin. Tuwing may isang aalis, sobra akong nanliit, dahil iniisip ko na lahat ng pwede ninyong sabihin sa likod ko. Tapos nito lamang, nalaman ko na may nagsabing hindi ko raw “deserve yung position”. Gaya nga ng sabi ko, hindi ko ginusto yun, at kundi lang dahil sa posisyon na iyon ay matagal na akong umalis. Hindi ko rin gusto na kapag nagkakagulo na tayo, nasa akin lahat ang sisi. Labinganim tayo, at pinasok natin ‘to bilang isang team, pero bakit kapag dinudurog na tayo, ako lagi ang sumasalo? Ako lagi ang humaharang? Tapos makakarinig pa ko ng masasakit na salita. Buong semestre ko ‘tong tiniis, ni minsan, hindi kayo nakarinig ng reklamo mula sa akin, liban na lamang nitong mga nakaraang araw, n’ong gusto ko ng sumuko dahil hindi ko na kaya yung bigat ng responsibilidad.
Pangalawa, direkta kong mensaho sa’yo ‘to. Oo, totoo, may gusto ako sa’yo, pero alam ko ang lugar ko, alam kong hindi tayo pwede, kaya pinili ko na lang na maging magkaibigan tayo. At iyun nga, naging magkaibigan nga tayo. Higit pa sa kaibigan; matalik na magkaibigan. Naaalala mo nung isang gabing nabad trip ako sa’yo, at para makabawi ka sa akin ay niyaya mo ako ng inuman. Naaalala mo yun? Nung umiyak ako sa harap mo, nung nagkwento ka tungkol sa buhay mo? Tumaas ang respeto ko sa’yo nun, iba ka, iba ka sa mga taong nakilala ko. Simula noong araw na yun, naging napakahalaga na ng pagkakaibigan natin para sa akin. Wala kang pakialam kahit tinutukso na nila tayo, na may relasyon daw tayo. Dun ko nalaman na pinapahalagahan mo rin ang pagkakaibigan natin. Alam mo na ang kwento ng buhay ko, kaya naiintindihan ko kapag tumatawag ka sa dis oras ng gabi para mangulit at mangamusta. Alam ko din ang kwento ng buhay mo, kaya alam kong naiintindihan mo kung bakit nililibre kita laging kumain. Pero bakit ganon? Pakiramdam ko, nag-eenjoy ka kapag ikaw yung nakaksakit ng damdamin ko. Alam mo namang madali akong madepress sa mga bagay na naririnig ko tungkol sa akin, pero napakasakit kung sa’yo pa manggagaling. Salamat at ang dahilan kung bakit mo ginagawa iyon ay para magawan ko ng paraan at magbago ako. Naiintindihan ko iyon. Ayoko din yung bigla ka na lang magagalit sa akin nang wala akong ka-alam-alam, at dahil sa mga mabababaw na dahilan, at nagmumukha akong tangang text nang text at tawag nang tawag sa’yo. Pero samantalang ako, andami ko nang dahilan para magalit sa’yo, pero hindi ko ginagawa, iniintindi kita. Kahit minsan, di pa kita naririnig na nagsosorry sa akin. At ngayon, napakabigat na nga ng pakiramdam ko, dumagdag ka pa. Habang tina-type ko ito, iniisip ko kung kailan mo ulit ako kakausapin. Galit ka nanaman sa akin, di ko nanaman alam ang dahilan. Parang kahapon lang ay kino-comfort pa kita dahil bumagsak ka sa isa mong subject.
At pangatlo, para sa inyong lahat na ang tingin sa akin ay batong ‘di nasasakatan. Alam kong tumatak na sa isip n’yo na ko ay masayahing tao, mapagbiro, at parang walang inaalala sa buhay. Pero sana, kahit minsan, maalala n’yo pa rin na tao pa rin ako at may nararamdaman pa rin ako.
well i don’t care if he farts on me i’ll even preserve it in a jar
(Source: finn-jackh)
I haven’t text blogged in months. I will, one of these days, once I get a free time (and by free time, I mean when I’m not feeling lazy) and once I clear my head.
There’s just a lot of awful and weird things going through my mind lately, I can’t think properly.
Deuces!

(Source: stephhr)



